Tuesday, February 28, 2017

Eksena sa Colonade Supermarket (Supermarket here in Cebu)

Eksena sa Colonade Supermarket


Kanina sa grocery bibili kasi ako ng mga shampoo, toothpaste at sabon:
Habang papunta ako sa mga toiletries section, nadaanan ko yung isang babae na parang di mapakali…
She really caught my attention nung bigla niyang nilagay sa bag niya yung isang bote ng Vaseline lotion...
Syempre ako, nagkukunwaring hindi siya nakita. Patay-malisya lang.
Napansin ko din na tinitingnan din pala siya ng roving guard, na siyempre ay may hawak na radyo…
Paglingon ko, nakita ko na naman yung babae na may nilagay na 2 bottles ng shampoo.
Nagsimula siyang lumakad palabas...
Narinig ko naman yung guard na may niraradyo habang nakatingin sa babae...
Pasimpleng sinundan ko yung babaeng palapit sa exit ng Grocery...

Siyempre, hinarang siya ng guard at kinausap:
Guard: Miss, pakibalik na lang yung mga kinuha mo para walang problema
Babae: Ano pinagsasasabi mo?
Guard: Wag ka na magmaang-maangan. Ibalik mo na lang kasi...
Babae: Grabe ka na ha…
Nagtaas na ng boses yung babae. Napapatingin na mga tao sa kanila.

Babae: Sige, kulitin mo pa ko at magsisisigaw ako dito!
Guard: Sumigaw ka kung gusto mo. Ikaw naman mapapahiya.
Babae: Wag mo kong pipilitin! Sisigaw talaga ko!
Guard: Bahala ka.

At sumigaw nga ang babae.

Babae: DARNAAAA!!!

At lumipad siya papalabas ng Grocery. Gulantang kami. Nahulog ko yung Pepsodent.
Sumigaw din yung guard.

Guard: CAPTAIN BARBEEEEL!!!

Lumipad din siya at naghabulan sila.
Hanggang ngayon, wala pang balita kung ano nangyari.

2 comments: