Thursday, January 21, 2010

icebag/elbi pie quotes

*Credit goes to our very own, LB owned Ma'am Layeta "Lalie" Bucoy for her great ICEBAG series.
grabbed from http://entrelanoche.multiply.com/


Next year is the 10th year of that series which i'd like to think still tries to capture facets of a uplb student's life ... i've seen several posts on the net quoting certain lines from the plays, the teasers, and even the greetings ... since most of them came from me, i've listed those i could recall ... as to those already buried in oblivion, feel free to resurrect them (even those i deliberately buried) ... With ngayon o bukas for background music, here goes my journey to a decade of aaaw inducing lines:


1. "eto, ibigay mo sa kanya. mahilig s'ya d'yan. h'wag kang magulat. marunong din akong magmahal."

2. "mamili ka: malinis kang bumagsak o marumi kang pumasa."

3. "ayaw mo sa bakla, tanggap ko ‘yon. Gusto mong mamundok, Go! Gawin mo ang gusto mo, iwasan mo ako hangga’t gusto mo, pero hindi mo mapipigilang mahalin kita."

4. "May ipagagawa ka pa ba sa akin para sukatin ang pagmamahal ko sa ‘yo?"

5. "Haller!? Ako ba naiintindihan mo! Ngayon lang may nagmahal sa akin, ngayon lang may nakikinig sa akin. Alam mo ba kung ga’no katagal kong pinagdarasal na dumating ka sa buhay ko?"

6. "Maraming mukha ang pag-ibig. Ito ang pinili ko. Ibibigay ang lahat-lahat."

7. "Dito, sa ibang lugar, napakawalan ko na ang tanging nagmahal sa akin."

8. "Sana h’wag mo sa akin ibigay ang lahat. Magtira ka ng konti para sa sarili mo. Sa gitna ng mga tunggalian, maganda pa rin ang buhay, hangga’t may pag-ibig, sa anumang mukha nito, sa anumang kulay, sa pinakamarahas mang kahulugan nito."

9. "I was sitting beside you in STS, you never looked at me. I was sitting beside you in NASCI2, you never glanced at me. I was sitting beside you in Math 11, you never noticed me. Now, I’m here, sitting beside you, as we are about to watch the play. The teasers say this is about love. You would have known love. If only you looked beside you."

10. "Sapagkat kaming lahat sa dula ay umibig at nadapa, walang takot kaming babangon upang umibig muli at ibahagi sa inyo ang tamis, ang pait, ang anghang at ang alat ng pag-ibig."

11. "Habang basa ang katawan n’ya ng nagsanib na pawis, hamog at ambon, at basa ang mukha n’ya ng mga luhang ayaw n’ya sanang tumulo, nadama kong kailangan n’ya ng mapag-along kamay, nadama kong kailangan n’ya ng mainit na dibdib. Noon ko s’ya unang minahal."

12. "Hindi na s’ya naalis sa aking isipan. Tumakas ako mula sa piitan ng aking pagka-diyosa. Bumaba ako mula sa aking kabundukan. Sinundan ko s’ya sa Lecture Hall A ng BioSci. Nagpanggap akong estudyante n’ya. Nilapitan n’ya ako. “Ang haba ng buhok natin, ha?” ang sabi n’ya. Ngumiti ako at nagwikang, “Darating ang araw, tayong dalawa, magsasama hanggang sa pagwawakas ng panahon.” Simula no’n, iniwasan na n’ya ako."

13. "Marahil, kahit panawan man ng katinuan, hindi pa rin nakakalimot ang pag-ibig."

14. "Sapagkat ang pag-ibig ay hindi nakakalimot. Walang pag-ibig ang nabubura sa alaala."

15."Babae: H’wag mo akong bilangan ng oras. ComArts ako. Galit ako sa numero. Lalake: Mahal ko ang mga numero. Babae: D’yan ka lang magaling. Sa numero. Lalake: AMath ako. Babae: Syotain mo ang mga numero mo."

16. "Marami na akong pinalampas, marami na akong sinubukan, ngayong natagpuan na kita, ikaw lang ang gusto kong yakapin."

17. "Bagay sa inyo ang de lata. Kulungang lata n’yo ang isa’t isa."

18. "Ok lang kahit marami akong kahati sis, basta mahalin din lang n’ya ako"

19. "Sabi ng mga brods ko, kung ang cellphone daw ay pabago-bago ng modelo, ikaw naman daw pabago-bago ng isip. Mahirap ka raw pakisamahan. Mahirap ka raw mahalin. Pero kung may kailangan ka, sabihan mo lang ako. Kung nalulungkot ka, tawagin mo lang ako. Handa kitang samahan sa lahat ng pagbabago mo, maghirap man ako."

20. "Lalake: (Uupo, kakain) Tapusin na natin ‘to. Babae: Ang pagkain o ang relasyon? Lalake: Pareho.

21. "Inibig kita at inibig mo ako. Noon. Iba na ngayon.

22. "Thea: Bukas muli. Irvine: Alam kong babalik ka. Thea: Hindi ako babalik, Irvine. Hindi bumabalik ang hindi nakaalis. Irvine: H’wag mong ipako ang sarili mo sa pagmamahalan natin. Marami pang iba. Subukan mong umibig sa iba. Thea: Isa lang ang puso ko. Naibigay ko na sa ‘yo."

23. "Ayusin mo ‘yang mukha mo. Ayusin mo ‘yang buhay mo. Hindi dapat pinag-aaksayahan ng luha at lalo na ng buhay ang isang lalakeng ayaw naman sa ‘yo at wala namang pakialam sa luha at buhay mo. LAlake lang s’ya, maraming lalake."

24. "Nagsasawa rin ang pagmamahal. sawa na ako sa 'yo"

25. "Di tulad ni darna, di mo na kailangan ng bato. umibig ka lang, lulutang ka." edited: "hindi mo na kailangang lumunok ng bato para lumipad...umibig ka lang ... pustahan tayo lulutang ka" (limot ko na talaga hahaha)

26. "Ganyan ang banga, nakatayo o nakabaligtad man, handang manilbihan. Parang ako, walang pinipiling pwesto. Parang pag-ibig ko, walang pinipiling kondisyon."

27. "Then be my prince charming. Give me my happy ending

28. "Lahi kayo ng mga sugarol. At sabi mo, ang pag-ibig ay sugal."

29. "Ang pag-ibig ay para lamang sa matatapang."

30. "Punta na akong Baker. Aayusin ko pa ang rebound ko. Siguro mas magaling akong magrebound ngayon. Sinanay mo na ako. Ginawa mo na akong rebound."

31. "Napaunawa ko na sa ‘yo ang sarap at ligaya ng pag-ibig. Iisa na lamang ang natitira pang maaari kong ipaunawa sa ‘yo. Ipapaunawa ko sa ‘yo ang kung paanong masaktan."

32. "BL: Tingnan mo ang spaghetti, buhol-buhol ang mga noodles, mapula ang kulay, parang dugo. Ganyan sa pag-ibig, buhol-buhol ang mga buhay, madugo dahil maraming dalang pasakit. Pero tinikman mo, masarap, kadalasan parang ayaw mo nang tigilan. Tikman mo ang spaghetti. MB: Ikaw ang may paborito sa spaghetti. BL: Hanapin mo ako, kung handa mo nang tikman ang spaghetti. "

33. "Parang pagsalo lang sa tinapong bola. Saluhin mo rin ako, takot na akong magpagulong-gulong sa kalungkutan."

34. "Naghanap pa s'ya ng iba, nandito naman ako, 24 hours available, parang mercury drug."

35. "Ikaw na dahilan ng lahat ng luhang sinalo ng aking unan, ikaw pa rin ang alaalang kukumot sa akin, sa mga gabing malamig ang pag-iisa" PAHABOL

36. "Sisisirin ko ang impiyerno, makikipagbuno ako sa mga diyablo, upang sa huli, perlas kang aking hahanguin"

37. Noon, mahal kita. ngayon, mahal na mahal kita.' PAHABOL ULI 38. "Iced tea dapat 'yan pero di ko pinalagyan ng yelo. dapat sa 'yo mainit. masyado nang malamig ang puso mo."

39. "Nirequire kaming manood ng romeo and juliet. akala ko, makikilala ko na rin ang pag-ibig. pero wala akong naramdaman. wala ka sa tabi ko."

40. "Kahit ano'ng gawin ng taong mahal ka, walang panama sa sandaling matingnan ka lang ng taong mahal mo."

41. "Ito ang sandaling lagi kong babalik-balikan."

43. "I think that i shall never see a poem as lovely as a tree, and the turtle said snap, snap, not yet rizal, not yet, london bridge is falling down, falling down, falling down, jack en jill went up the hill, falling down, falling down, alagang-alaga namin si puti, bakang mataba, bakang maputi, bigyan mo ng tubig, inom, inom, inom, bigyan mo ng damo, nguya, nguya, nguya, the road less traveled by 'ronald prost' "

44. "Hindi nagtatapos ang pag-ibig sa kamatayan, tulad ng kaluluwa, patuloy itong mabubuhay, lumilipad dahil hindi nakukulong sa katawan"

45. "Wala sa mga tinginan ang pag-ibig, wala sa mga luha, wala sa mga pantasya. ang pag-ibig ay nasa hawakan ng kamay, haplusan ng balat, halikan ng labi"

46. "Pinagtitiisan kong makinig sa mga kwento mo tungkol sa sorority n'yo at sa pagpapacute mo kay Boy C dahil gusto kong inaamoy ang hininga mo" (lekat, pathetic! wahaha)

47. "Gene: 'Yan ba ang gusto mo Mackie?
Mackie: 'Yan ang gusto ko sa isang babae.
Gene: E sa isang bakla, ano ang gusto mo?
Mackie: Hindi ako bakla.
Gene: Don't you want to try? "


48. "I know love. I know how to love. I will love!"

49. "Babalik at babalik din ako sa 'yo"

50. "Why don't we make it a lifetime?
why don't we make it forever?"
(ahaha mushy kung mushy!)

51. "Mahilig ka talaga sa malamig.
bakit ikaw, hindi ka ba mahilig sa malamig?
mahilig din, pero mas mahilig ako sa mainit,lalo na 'yung mainit na lumalamig dahil napapabayaan
"

52. "Magkikita pa tayo, paulit-ulit mo man akong tanggihan, paulit-ulit mo man akong iwan, sa huli, mahal pa rin kita"

53. "Hindi dahil makabayan ka, magiging manhid ka na.
hindi dahil nagbirthday ka, magiging sentimental ka na. (koneksyon?! wahaha)

54. "Hahabulin mo pa rin ba s'ya hanggang sa bundok?
hihintayin ko na lang s'ya rito, nakakapagod din ang humabol.
napapagod na rin ako.

55. "Wala na akong mahalungkat sa unit, wala ka nang ibang gamit. di ko malaman kung saan pa ako maghahanap ng pag-ibig"

56. "Hindi pa ako nag-be-breakfast, lunch at dinner kakasunod sa 'yo. pag-ibig man, nagugutom din." (natawa talaga ako rito)

57. "Ito ang tunay na pag-ibig, gumagapang sa balat, tumatagos sa laman"

58. "Wala lang. gusto lang kitang makita. hindi kita nakita last week ,e. pero natanggap ko 'yung a la mode. the best a la mode in this side of paradise. ang tamis-tamis. ang sarap-sarap. galing sa 'yo."

59. "Mahirap magasgas ang kaha ng ref., mahirap magkalamat. parang sa tao, 'pag nagasgasan ang puso, nagkakalamat ang damdamin, sisingaw ang galit, mapapawi ang pag-ibig"

60. "Hayaan mong ako na lang ang magkasala. ganyan kita kamahal."

61. "In your case, i'd rather die than rot with you"

62. "Ngayon, ang alam ko lang, handa na akong hamakin ang mga bituin"

63. "H'wag ka nang magpasalamat sa tatlong diskette.napasaya mo na rin naman ako. patas na tayo."

64. "Dahil sa 'yo, marami akong nakilalang emosyon"

65. "Ibaba mo naman ang ulo mo, lumingon ka naman sa kanan mo, baka sakali, makita mo ako at ang pag-ibig ko"

66. "Lahat ng bago pinatos ko, pero bumabalik ang isipan ko sa luma, bumabalik sa 'yo"

67. "Kung ang mabigat na banga di ko kayang bitawan, ang pag-ibig pa kaya?"

68. "Rapist ka ba?"

69. "Lalake: Naiisip mo ba ang naiisip ko?
Babae: Di na maibabalik ang mga panahong nagdaan.
Lalake: At ang panahon pang natitira? "


70. Babae: Handa ka na ba?
Lalake: Nakatayo o nakahiga?
Babae: Nakatayo. Nakatingin sa isa’t isa.
Lalake: Para sa buong panahong hindi natin tiningnan ang isa’t isa.

71. "Sige, gawin mo akong tanglaw, tulad ng mga gabing ikaw ang tala sa aking kalangitan"

72. Junel: Sana pala hindi na tayo umorder.
Diana: Nagmamadali ka?
Junel: Sayang ang panahon.
Diana: Lagi ka na lang nagmamadali.
Junel: Lagi akong nahuhuli.
Diana: Ako ang late. Nag-make up class pa kasi ako.
Junel: Lagi akong nahuhuli.
Diana: Ako nga ang –
Junel: Pagdating sa ‘yo.


73. Kiko: Sana hindi ka mabulag sa liit ng mga letra at kapal ng nobelang ito.
Rand: Ano ba ako sa ‘yo.
Kiko: Ang nobelang gusto ko nang sarhan.

74. "Alam mo ba kung bakit ayoko sa kapeng walang asukal? ayoko sa mapait, parang alaala"

75. "Mas malapit tayo sa isa't isa nu'ng magkalayo tayo"

76. "Pwede ka uling magsign-in sa buhay ko"

77. "Food lang ang nagcocomfort sa akin"

78. "umibig ka na ba?
madalas
and?
wala na silang lahat
"

79. "'Pag pinaubaya mo sa iba ang kaligayahan mo, sa tingin mo ba mababawi mo agad 'yon?"

80. "ano ba'ng sikerto ng happiness?
h'wag mong ipahawak sa iba "

81. "Gaya ng pag-inom ko ng kapeng sumisira sa puso ko, h’wag mong bawasan o tigilan ang pagmamahal mo sa kanya, sirain man n’ya ang puso mo.

82. "Ako ba ang may dala ng bagyo sa buhay mo?"

83. "Maging ang bisig ay napapagod din sa pagyakap"

84. “Tingnan mo ang mga piraso ng paso, buuin mo man, may lamat na. ‘Yan ang ginawa mo sa akin.

85. "Minahal. Tandaan mo sana. Minahal. Tapos na ‘yon.

86. "Ang naiintindihan ko lang, gusto kong lumigaya ka.

87. "Nakabantay ako sa 'yo, hinihintay na makalimot ka"


88."Sa ‘yo lang ako magpapahuli, magpapakulong, hawla ko ang iyong puso, bawat tibok nito ang aking hininga. Pagkat ako ay ibong naghahanap ng pugad, at ikaw ang punong nais maging kaulayaw. "

89. Kaya lumuluha muli ako, walang-patid, habang nagmumumog.

90. . Pero di bale, di baleng 300 pesos a month na lang ang load ko at nang-aagaw na ako ng mga celfones ng mga kakilala ko para lang maitext s’ya, di baleng sa ukay-ukay na lang ako bumibili ng mga damit, di baleng naliligo na ng kiwi ang sapatos ko dahil nagiging mestizo na sila’t kailangan ko silang panatilihing baluga, di baleng naputulan na ako ng internet, telepono, tubig, kuryente at buhok dahil di ko na rin maafford ang shampoo and conditioner. Basta’t kasama ko lang si Joe.

91. Hindi mo alam, buo ang katawan ko, hindi lang ako pwet, hindi lang ako bunganga.

92. para sa bente pesos, para na rin akong sirkera.

93. Hindi man ako sumama sa iyong libingan, kasama ka sa aking bawat paghinga.

94. From 0919*******. Minsan ang pagkakaibigan parang hawak na buhangin, di mo napapansin nauubos din pala. Sa dami nga naman ng buhangin sa paligid mo, mapapansin mo kaya kung mawawala ako sa pagkakahawak mo?

95. Diana: Itanim mo na lang sa paso.
Semi: Magpupumilit kumawala sa paso ang mga ugat ng Doña Luz .
Diana: Hindi s’ya makakawala.
Semi: Babasagin n’ya ang paso.
Diana: Hindi mababasag ang paso.
Semi: Kaya n’yang basagin ang paso.
Diana: At ‘pag gumapang na s’ya?
Semi: Babantayan ko, aalagaan, aalalayan. Mamahalin.

96. Hindi ako bakla. Lalake akong umiibig sa ‘yo.

97. Inumpog ko ng inumpog ang ulo n'ya sa kubeta. di na n'ya mamulat ang mga mata n'ya. "masaya ka na ba?" tanong n'ya. "hindi pa rin." at muli ko s'yang inumpog.

98. Nakita ni Mang Mar ang pagtataka sa aking mata. Bakit hindi man lang nagkakagulo ang mga tao? “Galit kasi sila sa kanya, e” sabi ni Mang Mar. Naawa ako sa kanya. Noon ko s’ya unang minahal.

99. Sinundan ko s’ya. Narinig ko ang sabi ng mga doktor. Kailangan n’ya raw ng bone marrow transplant upang mabuhay. Diyosa lang ako. Wala akong buto. Wala akong maitulong.

100. Bakit may katawang nakakaadik?

101. Sa gabi, kukumutan n’ya s'ya at papaypayan hanggang sa makatulog ito. Tatabihan n’ya ito at yayakapin. “Kung hindi mo man ako magawang mahalin kung gising tayo, siguro kahit man lang sa panaginip, mahalin mo ako,” ang ibubulong n'ya bago makatulog.

102. “Multo na ako,” sabi n'ya. “Sayang,” patuloy n’ya, “namatay na ako’t lahat, hindi mo pa rin ako nagawang mahalin.”

103. Magkadaiti ang mga labing sinalubong nila ang bukang-liwayway. Siguro, ang pag-ibig, kahit di hanapin, kahit di asamin, kusang dumarating, kusang sumisilay, tulad ng bukang-liwayway, kahit pa mahaba ang iyong tutsang.

104. Ang pipiliin mo’y hindi ang nais mong bigyan ng lahat-lahat, ang pipiliin mo’y ang magagawang ibigay sa ‘yo ang lahat-lahat, tulad ng isang utusan para sa kanyang hari.


105. Ilang tao ang nagkakaroon ng bagong pag-asa dahil sa akin.

106. Gusto mo lang bilangin ang mga buhok n’ya sa katawan, bawat balahibo, bawat kulot at tuwid, wala kang palalampasin. Hindi na mahalaga sa ‘yo kung mahalin ka man n’ya. Hindi na mahalaga sa ‘yo kung pansinin ka n’ya. Walang mahalaga sa ‘yo kundi ang bawat malalaman mong detalye sa kanyang katawan, ang bawat malalaman mong detalye sa kanyang buhay. Ganyan ako magmahal.

107. tinig pa lang n'ya napapayapa na ang puso mo

108. Dahil sa kanya pinalayas ka ng mga magulang mo. Dahil sa kanya hindi ka na nakagraduate. Dahil sa kanya kinailangan mong magtrabaho sa call center. Dahil sa kanya nangayayat ka, nagdusa, naghirap, nasaktan. Hindi mo s’ya magawang masisi. Dahil sa kanya, lumigaya ka, kahit saglit.

109. Walang gabing hindi ka n’ya binubugbog. Walang araw na wala kang pasa. Walang bahagi ng katawan mong walang latay galing sa kanyang sinturon. Mata mo na lang ang hindi dumurugo. Pero hindi ka pa rin bumibitiw sa kanya. Handa kang magtiis. Sa hirap at ginhawa. Sa sakit at kalusugan. Hanggang sa kamatayan.

110. Nakikita ko kayo kahit hindi n’yo ako nakikita. Pinagmamasdan ko ang bawat galaw n’yo, alam ko ang bawat ikilos n’yo. Nagmamasid ako kahit hindi n’yo ako pinagmamasdan. Nakaantabay, nakaalalay, tama na sa akin ang makita ko kayo kahit matagal n’yo na akong kinalimutan. Hindi ba, ako ang tunay na pag-ibig?

111. Humihingi nga ng kiss, ‘yun ba ang galit?

112. Ang dami kong kasinungalingan. Parang napakamakasarili ko na. Nakakakonsensya rin. Pero mas mahalaga ka sa konsensya ko.

113. Mahirap mahalin ang walang nagmamahal.

114. Kesa naman sa naging sigurista nga s’ya, habang-buhay naman s’yang hindi liligaya kasi wala na s’yang gagawin kundi magplano at maghanda.

115. Bago rin lang ako sa ganitong klase ng relasyon pero ang alam ko, ang hindi hinahawakan, hinahagkan o niyayakap . . . pinandidirihan.

116. s'ya nga pala, may ibibigay ako sa 'yo. ang puso ko.

117. Wala akong dinedehado lalo na sa pag-ibig

118. Look, I’m rich, I’m intelligent and I’m beautiful. Obviously I’m perfect. Ang gusto ko lang naman ay ang makapantay ka sa akin. So if you can’t handle perfection, get lost!

119. ) Paulit-ulit kong sinasabing mahal kita. Gusto ko sana, ‘yun ang huling marinig mo. Gusto ko sana tinig ko ang dumuyan sa ‘yo patungong langit.

120. hindi ko kayang sabihing hindi na kita mahal. kung dumating man ang sandaling 'yon, tatahimik lang ako.

121. bakit ba kailangang magmukhang pathetic ka kakahabol sa kanya? bakit ba kailangang ipagduldulan mo ang sarili mo sa kanya? nandito ako. ako ang talagang nagmamahal sa 'yo.

122. i am magic personified.

123. habang lumalapit ako, lumalayo ka naman.

124. pinakiusapan nila akong h'wag ka na raw gambalain. hindi ako makakapayag. hindi napapakiusapan ang pag-ibig.

125. nangangailangang maramdaman ang init ng pagmamahal upang mapawi ang lamig ng mga gabing alaala lamang ang kayakap.

126. ibalibag mo sa kanya ang kahayupan mo.

127. Naiimagine ko na kung ano kayang pakiramdam ng mga labi mo sa balat ko.


128. I broke up with my girlfriend for I can’t get another girl out of my mind. I found another girl. I found you

129. Malay ko bang di lang hymen ko ang babasagin mo? Pati puso ko pala, di ko na tuloy mabuo ang mga bubog

130. Sa sobrang ‘pag shine ng armor mo, nasilaw ako’t di ko na nakitang balak mo pala akong gawing prinsesang gusgusin.

131. Wala naman palang laman ang dibdib mo. Parang ulo mo, walang laman

132. Humindig s’ya sa aking dibdib. Sa posteng dati’y nadaraanan ko lamang sa aking pag-uwi sa boarding house, niyakap ko ang babaeng hindi ko maintindihan, habang naririnig n’ya ang tibok ng aking puso


133. Dalhan mo naman ako ng bulaklak. ‘Yung puting-puti, ‘yung parang ang linis-linis. Para sa kabila ng mga kababuyan ko sa buhay, baka-sakali, sa kamatayan, luminis din ako.



Thanks ma'am Lalie!

No comments:

Post a Comment